Tinta lyrics by Gloc-9


Checkout the lyrics and music video of "Tinta lyrics by Gloc-9".
Tinta lyrics by Gloc-9

(Chorus)
Pwedeng asul, pwedeng itim, pwedeng pula
Pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila.
Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin,
Paano mo ginagamit ang tinta.

Ahh , ahh, ahh, ahh
Ahh, ahh, ahh, ahh, ahh, ahh.

(Verse 1)
Nagsimula ang lahat na aking mahawakan ang papel
At panulat habang ako'y tinuturuan ni nanay
Habang sya's naglalaba ng damit sa poso paulit-ulit
Isinusulat at dapat deretso ang mga letra
Na parang pertsa sa kalendaryo,
Mag basa sa aklat kung minsan nama'y komiks at dyaryo
Ng sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo
At hindi imbento na parang gamot ng albularyo.
Nag-aral. Isa, dalawa, tatlong baytang na elementary
Natapos sa ika-anim. Ngunit walang medalyang
Nakasabit sa aking leeg,
Ng hindi sampagitang dala-dala ni tatay
Pagkatapos mamasada.
Lumipas ang mga taong sinubukang lumikha
Mga salitang magkatugma na ang tawag ay tula,
Ngunit may nagsabi sa akin, "Ris, pagnaron ka na, sabihin mo sa akin.
Kung paano mo ginamit ang tinta."

(Chorus)
Pwedeng asul, pwedeng itim, pwedeng pula
Pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila.
Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin,
Paano mo ginagamit ang tinta.

Ahh , ahh, ahh, ahh
Ahh, ahh, ahh, ahh, ahh, ahh.

(Verse 2)
Paggising mo sa umaga, maliligo ka sa banyo,
Papasok ka sa eskwela, manghihingi ka ng baon,
Kung titigna'y wala kang pinagkaiba sa lahat.
Ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat
Ng isang makatang lagging titingalain ng lahat
Ang mga awit na ikaw lamang ang may alam ng pamagat.
Na baling araw ay sasambitin, awit mo'y kakantahin
Ng lahat ng batang tulad mo'y pangarap rin.
Ngunit ngayo'y nagsisimula ka pa lang
Di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang
Kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay
Ang mga pangarap mo syang sandata mong taglay
At walang makakapigil, kahit minsan ay parang
Wala ka ng maayos na lupnag pwede mong lakaran
Ngunit pagdating ng araw at naron ka na sabihin mo sa akin,
Kung paano mo ginamit ang tinta?

(Chorus)
Pwedeng asul, pwedeng itim, pwedeng pula
Pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila.
Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin,
Paano mo ginagamit ang tinta.

Ahh , ahh, ahh, ahh

Ahh, ahh, ahh, ahh, ahh, ahh.

For more Gloc-9 Songs visit this blog and we will share to you all songs of this artist.
Share this article :
Looking for the latest Skincare technology in the Philippines? You can see it at Alphanetworld Online Shop or you may also contact Jonjon Mendoza Susi to shop at Alphanetworld Shop.

Recommended links: Royale Products Online | OPM Songs | Gloc-9| Julie Anne San Jose| JM De Guzman

Advertisement

 
Copyright © 2013. Gloc-9 Songs - All Rights Reserved
Proudly powered by Blogger